Gitara

by - 2:36 PM



Sa bawat pagtipa ng iyong gitara,
Kahit wangis mo’y hindi nakikita
Puso ko’y tumatalon sa saya.
Tila ba bawat nota
Ay para sa akin ang timpla.

Tuwing sasapit naman ang gabi,
Tuwang bumabalot saki’y hindi ko mawari.
Mata ko’y aligaga,
Katawa’y hindi lubayan ng kaba
Sa kaaabang sa muling pagtugtog mo ng gitara.

Tila bawat nota saki’y naglalakbay.
Pagtangis sa galing mo’y walang humpay.
Wari mo siguro’y ang hilig kong magsaya.
Pasayaw-sayaw
Minsa’y walang humpay sa paggalaw.
Kadalasan tinig ko’y abot pa sa iyong dingding
Sapagka’t ibig kong iyong mabatid
Nais kong nota mo
At tinig ko’y magsanib.

Katulad nang pagyakap mo sa iyong gitara,
Nais kong mayakap ka ng tinig ko sa tuwina.
Sabay nating tugtugin
Ang saliw ng musika
Nang pagtangis sa isa’t-isa.

Minsan pa sana’y
Maipaabot sa iyo ang nadarama.
Pag-aaralan kong tumugtog ng gitara
O di kaya’y
Idadaan na lamang sa pagkanta.
Upang mabatid mo

Ang aking munting paghanga sa’yo.

You May Also Like

0 comments

  • 21
    2
  • 2573
    2
  • 930
    2
  • 2260
    16
  • 418
    0
  • 3009
    2