Ka-ibigan

by - 2:41 PM



Tainga ko’y laging bukas
Upang makinig sa litana mong walang kupas.
Ngunit maaari bang sa pagkakataong ito,
Ako naman ang pakinggan mo?

Naaalala mo pa ba
Noong mas pinili kong iwaksi ang pangamba,
At ipahayag sa’yo ang nadarama?
Mula sa simpleng pakwento-kwento,
Heto ako’t tuluyang nahulog sa’yo.

Akala ko noo’y ito na
Ngunit may ibang karakter pala
Sa kabilang pahina.
Siguro’y hindi mo batid
Kung gaano kalalim ang dinulot mong sakit.

Kaibigan.
O kay sarap pakinggan.
Ngunit may halong pait
Kapag ikaw na ang sumasambit.

Matagal din mula nang iwasan mo ako.
Ika’y bumalik, at may baon na namang kwento.
Heto naman ako’t sabik na nakinig
Kahit puso’t isip ay nagliligalig.

Sabi mo noo’y walang pagsidlan ang saya
Sapagka’t sa wakas ay nahanap mo na siya.
Hindi mo siguro nabatid ang aking lungkot.
Alam mo bang habang nagsasalita ka,
Puso ko’y labis ang pagkirot?

Marahil ay hindi mo noon nabatid.
At hanggang ngayo’y hindi mo dama ang sakit.
Sa ating muling pagtatagpo
Siguradong baon mo’y isa na namang kwento.
Katulad pa rin ng dati,
Nakaabang lang ako sa isang tabi
Upang mapakinggan
Ang kwento mo, kaibigan.

You May Also Like

0 comments

  • 21
    2
  • 2573
    2
  • 930
    2
  • 2260
    16
  • 418
    0
  • 3009
    2