Mamang Nakamotorskilo
Naglalakad ako noon sa may kanto,
Nang marinig ako ang usap-usapan ng mga tao.
Parating na raw siya
Tangan ng kanyang motorsiklo,
Baon ang inaasam na pagbabago.
Umaraw at dumilim
Ngunit walang nakamotorsiklong dumating.
Sumapit na ang bispera ng pista,
Maraming pumila at nagpalista.
Bagama’t ang ilan ay patuloy na nakaabang,
Wala ni anino ang natanaw.
Ibang daan pala ang nais tahakin
Ng mama sa motorskilong katanyaga’y parang hangin.
Ngunit ang nakapagtataka,
Ay ang mga larawang nakapaskil pa rin maging sa bukirin.
Tila ba urong-sulong are istilo nito.
Wari ko’y kinakasangkapan niya ang mga tao.
Sumapit ang patimpalak at siya’y biglang nagpakita.
Akalain mo nga nama’t nanalo pa!
Mamang nakamotorsiklo,
Sabi mo noo’y isusulong ang pagbabago.
Mga mahihirap ay paglilingkuran mo.
Ngunit ano ito at kami pa ang niyuyurakan mo?
Tumindig kami’t pinaglaban ang karapatan
Ngunit sa ere kami’y iyong iniwan.
Isa, dalawa, marami pang mga kababayan
Ang unti-unting inaalay mo kay kamatayan.
Matapang kang magsalita
Subalit puros katampalasan ang winiwika.
Parati ka na lamang bang iintindihin?
Hanggang saan, hanggang kailan ang dapat ipagtimpi
Ng mga taong nagtiwala ngunit nasawi?
Marami silang iyong nabulag.
Mga litana mo sa kanila’y sadyang kay tanyag.
Ngunit habang tumatagal,
Kaanyuan mo’y kusang lumalabas.
Muntik na akong mapaniwalang iba ka.
Subalit tama ako,
Politiko ka ring kagaya nila.
0 comments