Birhen Ka Pa Ba?
Birhen ka pa ba?
Sabi ko, “hindi na.”
Mahalaga pa ba yun?
Tinanong ba nila ako
Noong walang awa
Nila akong pinagsamantalahan?
Noong gabing ako’y dakpin
At nakawin
Ang kamusmusang bumabalot sa akin?
Hindi naman, di ba?
Wala silang pakialam
Sa aking kamusmusan.
Hindi nila alintana
Kahit pagkatao ko’y tuluyang mayurakan.
Paulit-ulit-nila akong ginahasa.
Naiwan akong naliligo
Sa sarili kong luha.
Hindi ko noon nakamit ang hustisya
Ngunit patuloy akong umaasa
Na sana isang araw
Ay may tumindig kasama ko
Laban sa mga magnanakaw
At mamamatay taong kagaya nila.
Birhen pa ba ako?
“Hindi na,
Pero ako’y mulat na.”
At may magagawa ako.
Patuloy akong makikipaglaban
Hanggang makamit ko ang katarungan.
0 comments