Sa Una Kong Pag-ibig
Ang hirap mong abutin.
Naka ilang hiling ba ko sa mga bituin?
Isa, dalawa, tatlo?
Hindi ko na mabilang, pero alam ko, hindi ako nagsawa.
Sa huli, sa'yo ako dinala ng tadhana.
Sa una'y di ako makapaniwala.
Ngunit tinanggap ko ang hamon,
At sumugal sa pagkakataon.
Binigay ko ang sarili ko,
Umibig at nagpakatotoo.
Ganito pala ang magmahal.
Minsan masakit, minsan masaya, pero patuloy ang laban.
Ikaw ang una kong pag-ibig.
Pinadama mo sakin ang ligaya at pighati.
Ilang beses ko nang ginustong sumuko,
Pero binangon mo ko at pinatatag ang loob ko.
Mahal kita. Sobra.
Ikaw ang nagturo saking lumaban,
Tumindig at wag sumuko
Kahit na nahihirapan.
Lumipas man ang ilang taon,
Wala pa ring magbabago.
Paulit-ulit kitang babalikan,
Saan man ako dalhin ng kapalaran.
0 comments